RH Law, Idedepensa ng Palasyo sa SC

TINIYAK NG Palasyo na handang idepensa ng gobyerno ang paglagda ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kontrobersyal na Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Ito ay sa harap ng inihaing petisyon ng mag-asawang Attorney James at Lovely Ann Imbong sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng batas at humihiling na ipahinto ang implementasyon nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, lumang isyu ang binanggit ng mag-asawang Imbong sa kanilang petisyon na dati nang natalakay sa mga debate ng Kongreso.

Handa ang pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) na idepensa ang posisyon nito hinggil sa nasabing isyu, ani Lacierda.

Samantala, ang naturang batas ay tahimik na nilagdaan ng Pangulong Aquino noong December 21 matapos ang mahaba-habang debate sa magkabilang kapulungan ng Kongreso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.