RH Bill, nateknikal

NAUWI SA isyu ng teknilakalid ang pagbusisi sa proseso ng pagpasok ng mga amyenda sa kontrobersiyal na Reproductive Health Bill (RH Bill) sa Kamara, kung kaya’t bahagyang pag-usad lang ang nagyari kahit inabot na ng gabi sa matinding pagtalakay rito.

Mula sa 27 pahina ng panukala, halos tatlong artikulo lang sa mga ito ang nabuksan at ginugulan ng mahabang oras ng diskusyon, sumbatan at maging ang paulit-ulit at iba’t ibang paraan ng botohan mula sa mahigit 200 dumalong mambabatas noong Luners ng gabi.

Unang kinuwestyon ni Palawan Rep. Dennis Socrates ang naging proseso ng pagpasok ng substitute bill sa House Bill 4244 o RH Bill dahil hindi aniya ito dumaan sa tamang proseso.

Hinarang naman ni House majority leader Neptali Gonzales II ang pagtatalumpati ni Socrates dahil inuungkat lang umano nito ang bagay na napag-usapan na noon pang Nobyembre 26, 2012.

Gayunman napagbigyan din ang Palawan solon ng ilang minuto para makapaglahad ng saloobin.

Kung saan panibagong antala naman ang nangyari matapos hilingin ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na pagbotohan ang punto ni Socrates at magsagawa ng roll call.

Samnatala, inaasahan pa rin ng liderato ng Kamara na mapagbobotohan ang RH Bill bago magtapos ang linggong ito ayon na rin sa guatong mangyari ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.