RH Bill, May Pag-asa Pa – Solon

MAAARI PANG MABIGYAN ng pagkakataon ang Reproductive Health Bill (RH Bill) na matalakay sa Kamara bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ito ang naging pahayag ni House Deputy Speaker Erin Tañada, kasunod ng tambak na panukalang nakabinbin sa Mababang Kapulu-ngan ng Kongreso dahil sa nakaraang bakasyon ng mga mambabatas.

Halos kalahati pa lang ang nabibigyan ng pagkakataong makapagtanong sa mga may-akda ng RH Bill, kaya mahalagang mapaglaanan pa ng panahon ang nasabing usapin sa mga susunod na araw ng sesyon, ani Tañada.

Bukod dito, marami pa umanong mahahalagang usapin ang kinakaila-ngang matalakay sa plenary, tulad na lamang ng National Land Use Bill, Internally Displaced Person Bill, Anti-Money Laundering Bill at iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.