RH Bill, Laman ng Sermon sa Unang Araw ng Simbang Gabi

REPRODUCTIVE HEALTH (RH) bill ang sentro ng sermon sa unang araw ng Simbang Gabi o Misa de Gallo.

Sa simbahan ng Quiapo, binasa ni Fr. Venus Suarez ang dalawang liham mula kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa halip na na magbigay ng sermon.

Sa liham ni Tagle, mariin nitong kinokondena ang posibilidad na maipasa ang naturang panukala anumang araw ngayong linggo.

Sa liham naman ng CBCP, sinasabing hindi totoo na para sa mahirap at kababaihan ang RH bill. Katumbas din umano ng korapsyon ang contraceptive.

Maging ang Prayers of the Faithful o Panalangin ng Bayan ay nagpapahayag din ng pag-alma ng Simbahang Katolika sa RH bill.

Nanawagan din ang CBCP sa 64 na kongresista, na hindi pa nakaboboto, na gamitin ang konsensya para sa nakatakdang ikatlo at pinal na botohan para maging ganap na batas ang RH bill.

(PARAZZI REPORTORIA TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.