RH Bill, Hindi Minamadali ng Senado

SINABI KAHAPON ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi nito pra-yoridad ang pag-aapruba ng Reproductive Health (RH) Bill kahit tapos na ang Senado sa kanilang deliberasyon para sa 2013 national budget.

Hindi raw mapi-pressure ang Senado para i-pasa ang RH Bill kahit pagbotohan pa umano ito sa Kamara bago mag-Pasko. Aniya, marami pa siyang amendments na ipapasok sa panukala. Ngunit kahit tanggapin daw itong lahat, kontra pa rin siya sa RH Bill.

Prayoridad umano ng Senado ang kampanya laban sa smuggling tulad ng bigas, langis at mga agricultural products kasama na ang sigarilyo.

Hindi naman matiyak ng senador kung matatalakay pa ito sa susunod na linggo ganoong may siyam na sessions days na lang din ang Kongreso bago ang kanilang Christmas break.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.