RH Bill, Handa Nang Pagbotohan sa Senado

NASISIGURO NI Sen. Bongbong Marcos na ma-yorya sa mga senador ang pabor sa pagpapatibay ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ayon sa senador na siyang may akda ng RH bill noong kongresista pa, 90 porsiyento ng mga senador ang desidido nang bumoto pabor sa panukala.

“In the end, despite all of the pressures that are being put on the senators from both sides, I don’t think anyone will cast their vote purely on political expediency. In really believe that everbody’s conscience will be a part of it,” ayon kay Marcos.

Kinumpirma ng mambabatas na pitong lobbyists ang umiikot sa Senado pabor at kontra sa RH bill.

Itinanggi naman nito ang bintang na ginagamit ng Malacañang ang pork barrel para paboran ang panukala.

Handa aniya siyang bantayan ang nasabing panukala pagdating sa bicameral conference committee dahil posibleng alisin ang parental consent sa pagbibigay ng contraception.

Sa Lunes, posibleng pagbotohan na ang RH bill sa Senado para sa second reading at sa Huwebes para sa ikatlo at huling pagbasa sakaling tuluyan na itong mapagtitibay at maipapasa sa Kamara.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.