Revised Salvage Plan, Isinumite ng US Navy

NAGSUMITE NA ng revised salvage plan ang US Navy para matanggal ang sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha reef.

Sinabi ni Lt. Cmdr. Arman Balilo na tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), nakasaad sa revised plan na ang Jascon 25 na ang magsa-salvage ng barkong pandigma ng Amerika.

Napag-alaman na mula sa Singapore ang Jascon 25 at inaasahan aniya na darating sa Pilipinas sa February 16 ang naturang salvore ship at agad sisi-mulan ang operasyon.

Base kasi sa revised plan, mas mapapaaga ang pagtanggal sa barko at matatapos sa March 23 kumpara sa naunang plano na buwan pa ng Abril tatapusin.

Samantala, ang Jascon 25 ay isang pipeplay crane ship at kayang huminto nang matagal sa dagat nang walang angkla.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.