Reviewer ng DOST Para sa Scholarship Exams, Naka-Online na

MAAARI NANG maka access ang mga magtatapos na estudyante sa elementarya sa reviewer ng Philippine Science High School (PSHS) sakaling gusto nilang pumasok dito dahil ang reviewer ay online na.

Ngayong Sept. 18, 2013 ang nationwide entrance examination at sadyang nai-develop ang nasabing libreng reviewer para sa nasabing exams, ayon kay Dr. Rowena Cristina L. Guevara, Executive Director of the Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST-PCIEERD).

Dahil nga ito ay web-based, maaaring maka-access ang kahit sino, lalo at higit ‘yung mga nais maranasan ang pagsusulit na sinasagawa ng PSHS o ang mga batang hindi makayanan ang mag-aral sa pribadong paaralan at walang access sa mga katulad na reviewers.

Ito rin ang opisyal na practice test ng PSHS. Patuloy namang inengganyo ng DOST na kumuha ng mga kursong pang-agham ang mga kabataan ngayon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan kundi sa PSHS ay sa SEI o Science Education Institute. Maaaring maka access sa nasabing reviewer sa: pshsreviewer.org at pshsreviewer.dost.gov.ph.

(MJ BALAGUER)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.