“The Revengers” nina Vice, Pia at Daniel, nag-1st shooting day na!

Vice Ganda and Daniel Padilla on the set of “The Revengers”

WALANG KAPAGURAN ang unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda.

 
Di nga ba’t ratsada siya since Saturday (after ng noontime show niya). Konting pahinga lang at umalis na rin siya for Japan that evening para sa kanyang “Pusuan Mo si Vice” show last Sunday na very successful dahil nauwi sa SRO performance sa dami ng mga supporters an fans ni VG na hindi matanggihan na ma-accommodate.
 

Vice Ganda and Daniel Padilla with Karla Estrada

Last night, Tuesday, July 4 ay bumalik na siya ng Manila ng 6:00pm (kung walang delay sa return flight niya).

 
From the airport, diretso na si Vice sa location ng 1st shooting day niya para sa MMFF 2017 entry nila nina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla na “The Revengers” sa Boys Town sa may bandang Parang, Marikina.
 

“It took us more than two hours sa biyahe from the airport to the location,” kuwento sa amin ng isa sa mga members ng Team Vice.

 
 Sa shooting andun sina Daniel Padilla, ang ina na si Karla Estrada; ang mga bekis na sina Lassy, MC at Wacky Kiray na makakadagdag for sure ng saya sa pelikula.
 
 
 Sa unang eksena nina Vice at Daniel, laugh trip na kaagad ang dalawa na almost 1:00 AM na natapos ang shooting nila,.
 
Today, walang shooting si VG. After ng Showtime ay magte-taping lang si Vice for his Sunday show na Gandang Gabi Vice.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.