Retokada Queens, mukhang batang Madam Auring!

OLA CHIKKA! ‘IKA nga nila “Beauty is in the eye of the beholder” pero bakit may mga taong hindi makuntento sa hitsura at katawan na ibinigay sa kanila? Lalo pa’t meron nang modern technologies na inihahatid sa atin ngayon tulad ng liposuction, face lift, nose lift at kung anu-ano pang pagpaparetokeng nagaganap.

Sabagay, hindi naman natin masisisi itong mga artistang nagpaparetoke, dahil maliban sa talento, pati ang mukha at
katawan nila ang kanilang puhunan para umangat ang kanilang career sa mahigpit na labanan dito sa showbiz industry.

Ang ipinagtataka ko lamang, bakit noong panahon nina Pilita Corales, Carmen Soriano, Helen Gamboa at Imelda Marcos ay maganda ang nagiging resulta ng kanilang operation? ‘Yung tipong mukhang natural pa rin na hindi talaga kumukupas ang kanilang ganda at tunay na mga Dyosa.

Bakit ngayon, maraming artista ang nagpaparetoke? Pero imbes na gumanda ay mukhang kabaliktaran ang nangyayari? May iba riyang nauuwi sa pagkapalpak ng pagkakagawa, ‘yung iba naman eh mas masama ang naging resulta ng kanilang mukha. Nagmumukhang matanda at manikin dahil halatang peke lang.

Tingnan mo itong sina Regine Velasquez, Gretchen Barretto, Pops Fernandez, Ruffa Gutierrez at marami pang iba na akala mo ay ang gaganda nila sa paningin ng mga tao. Ang hindi nila alam ay halos kahilera na si chaka doll at mukhang batang Madam Auring na. Ha-ha!

Excuse me pow! Hindi ako nanlalait at mas lalong hindi ako naiinggit. Hindi ko naman pera ‘yun at kuntento na ako sa kabayotic beauty ko, ‘di ba?

Sabagay, siguro hindi na nila kasalanan ‘yun dahil hindi sila ang nagretoke sa mukha nila. Maaaring isisi iyon sa gumawa ng operation dahil sa dami ng naglabasan na mga machines at iba’t ibang paraan ng pagretoke ay mukhang hindi na ito specialized at ganu’n kaingat sa paggawa. Kaya payo ko lang sa inyo mga kaparazzi, be contented for what you have and lahat ng sobra ay masama! Paaakk!!

GAYA NGA NAISULAT ko rito sa ating blind item noong mga nakaraang araw, hindi na nga maawat ang isyu tungkol dito sa Starstruck V talent na si Princess Snell na alagang-alaga daw ng isang makapangyarihang politician na ngayon ay ipinakilala o ipinasa raw diumano dito sa newly elect-congressman na nagbigay raw sa dalaga ng house and lot at brand new car! Taray, ‘di ba?

Kung totoo man ang isyu tungkol dito sa batang aktres, ang masasabi ko lang ay winner itong si Congressman dahil mukhang nagpa-progress na ang kanyang taste when it comes sa pagpili ng chicks! Kumpara mo naman sa pinaka-latest na babaeng na-link sa kanya ay mukhang chimini-aa na lamang niya. Ay, naku! Stop it na nga, ituloy na lamang natin kapag totally confirmed na! Ano Princess, totoo ba?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong hunk actor na madalas makita sa gimikan ngunit wala namang pag-order na nagaganap? Tama! Ang hilig gumimik at magpakilala sa mga chikas ngunit kahit isang bote lamang ng beer ay wah sa pagkabigay sa babae. Akala mo hindi celebirity at walang pambili na halos ang chikas na ang nabibigay sa kanya.

Sabagay, he deserves it naman dahil sa looks and body niya ay hindi na niya kailangang magpasikat at gumastos pa para lang sa mga girls! Taray, ‘di ba? Kaso turn off naman ‘yun. Ang dami-dami mong cash, nagmumukha ka tuloy user! Eh, kung yayain mo na lang kayang kumain at magpalibre ng Maja ay uubra kaya? Hmmm… Let’s see.

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Retokada Queens, mukhang batang Madam Auring!

  1. Franz1227

    Nagagalit ka kay Swarding na i-compare ang mukha niya sa mga nagpaplastic surgeon…eh natural looks niya iyan and proud to have that natural look! Eh di hindi siya credible kung ginamit niya ang sarili..kaya si Madam Auring naman dahil naman..identified ito sa scary plastic surgery! No offense Swarding ha :)

  2. Great Article on Showbiz Stars with Plastic Surgeries.
    I love reading Tita Swarding’s articles because he’s always very honest, writes intelligently and straight to the point.

    Even during the elections/Ruffa bruhaha when some “bayarang” reporters where ganging on Kris, he was there to defend her and was always fair.

    Again, Kudos Tita Swarding.

  3. naku swarding buong bansa pinag uusapan iyan mga takot lang o bayaran ang mga baklitang shobiz reporters at ayaw punahin ang damage fess ni greta pero manigas sila kitang kita sa larawan hindi sila makaka deny.mga sinungaling kayow hindi na maganda si greta hindi naaaaaa kakatakot na fess niyah yun lang huwag ninyong lokohin mga fans kapamilya

  4. naku greta magingat ka sa pag tawa baka magkaputol putol ang sinulid na ginamit sa iyo.paano ka ma take ni tony boy di ba siya natatakot sa mukha mo.sayang greta ang beauty mo pa naman noon ngayon mukha ka ng taga ibang planeta

  5. Aray ko si CHAKA Khan ba yan?! Nanigas ang mukha at leeg sa ka injection ng Botox, Juviderm, brake fluid, freon, sukang paumbong at Iloco atbp..Sobra naman ang kaputian nito! Come to think ..PERLA ba ang gamit niya? Tide? Zonrox? Kayong gustong magpantasya ng pagka “mestiza” kuno–Heto ang resulta! Chaka! Pati kilay at noo niya mas malawak pa sa C-5!

  6. Kalurkey k swarding. Naghanap k p ng madam auring n mkukumparahan eh ang linaw ng litrato m0..
    .
    T0ng pakman tlga na to bAbAERO. pera pera lng tlga kht mukhang ungGoy.

  7. Sinasayang lang nila ang kanilang natural na kagandahan. Look at Gretchen, dati like na like ko yung mukha niya. Ngayon di mo maintindihan kung nakangiwi ba, may masakit ba sa kanya or nakangiti na pala siya. Sana ako na lang pinagkalooban ng ganda na iyon…haay…..

  8. I AM SURE MARAMING MAG REACT SA ARTICLE MO COURAGEOUS TITA SWARDING.ESPECIALLY ANNABELLE RAMA.YOU ARE JUST SPEAKING THE POWERFUL TRUTH TITA SWARDING.YOUR INSIGHTS COULD ENCOURAGE ALL THE YOUNG GIRLS TO LEARN TO LOVE THEMSELVES KAHIT MATABA SILA PAYAT O PANGO ANG ILONG.A LOT OF THESE YOUNG GIRLS NOW ARE OBSSESSED WITH THE WAY THEY LOOK INSTEAD OF CONCENTRATING ON THEIR STUDIES.PLASTIC SURGERY AND BOTOX ADDICTION IS NOT GOOD FOR YOUR HEALTH,LOOKS AND SELF ESTEEM.YOU ARE INJECTING TOXIC CHEMICALS IN YOUR FACE.10 YEARS FROM NOW ALAM BA NINYO ANG PUWEDENG MAGING SAKIT NA DULOT NITO SA INYONG KALUSUGAN.THANKS TITA SWARDING.

  9. GOOD FOR YOU TITA SWARDING.YOU ARE ONE OF A KIND.GINAGAWA MO LANG ANG TUNGKULIN MO BILANG MAMAHAYAG TO TELL OUR KABATAAN NA TOO MUCH RETOKES AY HINDI MAGANDA.BECAUSE OF THESE RETOKES AND SYNTHETIC PERSONALITIES NAGKAKAROON TULOY NG MASAMANG EHEMPLO ANG MGA KABATAAN.DAPAT TURUAN ANG MGA KABATAAN NA MAHALIN NILA ANG IPINAGKALOOB SA KANILA NG PANGINOON.MAG-ARAL NANG MABUTI PARA MAGKAROON NG RESPETO SA SARILI.KAYA SALUDO AKO KAY KC AT MARIAN DAHIL SILA AY MGA NAGTAPOS .PUWEDE SILANG MAGING ALA GRETA KUMABIT LANG SA MILYONARYONG MATANDA OKAY NA PARA MABUHAY.
    KAKAAWA NAMAN IYAN TULOY “DI SIYA MASAYA” ACCORDING TO ANGELICA. sakit noon ha!

  10. maraming pera lang ito na nahuthot kay tony boy kaya yumaman at yumabang ito eh..kundi eh saan ba pupulutin to? malamang sa beerhaus ….sabagay kung ako nman si derek ramsey eh papatusin ko ito dami kaya nito pera samantala si angelika bukod sa laspag na eh wala naman pera…kaya derek huthutan mo na rin to…di ba nasarapan naman sya nung majugjug mo ito ng minsan…aminin

Leave a Reply

Your email address will not be published.