Retirement Age sa mga Gov’t Employees, Ibaba sa 55

IPINANUKALA SA Kamara ang pagpapababa ng mandatory retirement age para sa mga empleyado ng pamahalaan sa 55-anyos mula sa edad na 65.

Base sa inihaing House Bill 242 ni Compostella Valley Rep. Maria Carmen Zamora, iginiit nito na maitatama sa pamamagitan ng naturang panukala ang mabagal na manpower turnover sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sinabi pa ng kongresista na lumalabas sa mga pag-aaral ay buma-bagal na ang pagkilos at mahina na sa pag-adapt sa mga makabagong teknolohiya ang mga may edad 50-anyos.

“Most government employees opt to retire at the age of 65 thus creating a stand-off in terms of position movement and the accommodation of new entrants. This scenario affects government’s productivity since studies show that people reaching the age of 50 years old tend to suffer from a decline of cognitive and physical abilities,” ani Zamora.

Ang pagpapababa sa edad ng pareretiro ang nakikitang solusyon ni Zamora para maiangat ang productivity ng mga empleyado ng gobyerno at mapababa naman ang unemployment rate sa bansa.

Samantala, iginiit pa ng mambabatas na mas mae-enjoy ng mga empleyado ang mga benepisyo sa gobyerno kung maaga silang magreretiro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.