Retired NIA Employee, Ninakawan; Suspek, Arestado

 

ARESTADO ANG isa sa dalawang magnanakaw na nanloob sa retiradong NIA employee sa Meycauayan City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Sidney Villaflor kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang naarestong suspek na si Liza Soliman Y Franisco, 35 anyos, ng Purok 6, Coloong, Polo, Valenzuela City habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito. Samantala, ang biktima naman ay nakilalang si Peralta Baldo, 64 anyos, residente ng Brgy. Pandayan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-3 ng hapon nang madakip ang suspek makaraan umanong ituro ng caretaker na si Larry na huling nakitang pumasok sa tahanan ng kanyang amo.

Nabatid na tinangay ng mga suspek 12 piraso ng wristwatch na nagkakaha-laga ng P15,000, tatlong gintong singsing nagkakahalaga ng P90,000 at dalawang kuwintas na nagkakahalaga ng P70,000.

Samantala, detenido nga-

yon ang suspek sa Meycauayan City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

(TONY DELA PEÑA)  

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.