Retired Gen. Garcia, ‘Di Titigilan ng Palasyo

DISMAYADO ANG Pa-lasyo sa naging desisyon ng Sandiganbayan na pagtibayin ang plea bargain agreement na pinasok ng Ombudsman at dating AFP Comptroller Carlos Garcia.

Maaalala na mula sa plunder, inaprubahan ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez

ang plea bargain ni Garcia na umakong guilty sa bribery at isoli ang P135 milyon na ninakaw sa pamahalaan.

Ayon kay Communications Sec. Ricky Carandang, nakalulung-

kot dahil ito pa naman ang dahilan ng impeachment laban kay Gutierrez noon.

Pero sinabi ni Carandang na may gagawing legal option ang gobyerno lalo ang OSG at DOJ para mahabol si Garcia.

Samantala, nakahanda raw sila ng susunod na hakbang para hindi basta makakalabas o makakalaya ang retiradong heneral.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.