Retiradong U.S. Navy, Natagpuang Patay sa Baguio

INAALAM PA ng mga kinauukulan kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng isang retired American Navy na natagpuan sa kanyang bahay sa Tacay Road, Pinsao Proper, Baguio City.

Nakilala itong si Kevin Donald Naber, 49, na taga-Arizona, USA, ngunit nakatira sa lungsod na natagpuang patay pasado alas-8:00 ng gabi kamakailan.

Ayon sa pahayag ng kanyang asawang si Mariel Bartolome Naber, iniwan niya sa kanilang bahay ang mister nang umaga ngunit nang bumalik ito kinagabihan ay nadatnan na lamang nito na nakahandusay ang kanyang asawa at wala nang buhay.

Wala umanong pang-itaas na damit at nakahiga sa may sofa ang lalaki, ayon pa kay Mrs. Naber.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.