Retiradong Titser, Nangreyp ng Kasambahay

NAHAHARAP SA kasong Rape ang isang retired teacher matapos umano nitong halayin ang isang dalagita na namamasukan bilang kasambahay sa Brgy. Magpag-ong, Batan, Aklan.

Kinilala ang nasabing salarin na si Basilio Patricio, 63, residente ng nabanggit na lugar.

Itinago naman ang biktima sa pangalang “Diana,” 16, residente ng Dumarao, Capiz at kasambahay ng retiradong titser.

Napag-alaman na halos isang buwan pa lamang na namamasukan ang biktima sa salarin na may sahod na P2,000 kada buwan.

Ayon sa salaysay ng biktima, nangyari umano ang panggagahasa sa kanya ng amo habang binabantayan nito ang limang taong gulang na ampon ng mag-asawa.

Itinuon umano ng suspek na wala ang kanyang misis sa bahay bago isinagawa ang panghahalay sa dalagita.

Bigla na lang umanong pumasok ang salarin sa loob ng silid at hinawakan siya sa mga maseselang bahagi ng katawan at pagkatapos ay sinimulan nang babuyin.

Matapos ang pananamantala ay umalis umano ang suspek at nagbanta pa sa dalagita na huwag magsusumbong sa kahit kanino.

Hindi naman nasira-an ng loob ang biktima at nang makakuha ng pagkakataon ay tumakas sa bahay ng amo at nagsumbong sa kanyang kaibigan na siyang nakasama nito sa pagpunta sa police station upang magsampa ng reklamo.

Matapos na magpositibo sa isinagawang medical examination, agad na nagsampa ng kasong Rape ang pulisya sa Provincial Prosecutor’s Office laban kay Patricio.

Samantala, nananati-ling at-large ang nasabing retired teacher at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.