Retiradong Sundalo, Patay sa Boga

PATULOY PA rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa motibo at kung sino ang mga suspek sa isang shooting incident sa Phase 1, Villa Trinitas Subd., Bugo, CDO.

Kinikilala ang namatay na si retired Army Sgt. Virgilio Dy, habang sugatan naman ang kanyang kapit-bahay na si Jafney Elivera.

Isang armadong lalaki ang bumaril kay Dy habang ito ay bumibili sa tindahan ni Elivera.

Samantala, nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng kanyang agarang kamatayan

Nagtamo rin ng su-gat sa kanyang balikat si Elivera matapos siyang binaril ng mga suspek subalit ito’y nasa mabuting kalagayan na sa Puerto Community Hospital.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.