Retiradong sundalo, binoga sa away sa lupa

DEAD ON the spot ang isang retiradong kasapi ng Philippine Army matapos itong barilin sa Urdaneta City sa Pangasinan kamakailan.

Kinilala ang nasabing biktima na si Felix Castro, 58-anyos at residente ng Brgy. Labit Proper sa nasabing lungsod, na nagtamo ng isang tama ng baril sa kanyang ulo sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sinabi ni P/Supt. Jeff Fanged, hepe sa lungsod na binaril ito ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na sakay  ng motorsiklo.

Samantala, tinitignang motibo sa pamamaslang ay awayan sa lupa dahil may nauna nang insidente kung saan pinatay din ang kanyang kapatid noong 2011 ngunit walang nai-file na kaso.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat  ng mga awtoridad at umaasa silang mareresolba ang kaso dahil mayroon na rin silang lead sa posibleng may kinalaman sa krimen.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.