Retiradong pulis, todas sa ambus sa Quezon

PATAY SA AMBUS ang isang retired police officer sa Lucena City, Quezon matapos paulanan ng bala ng hindi nakilalang sakay ng isang motorsiklo malapit sa kanilang bahay sa coastal village sa Dalahican, Quezon kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktimang si former Senior Inspector Ireneo Valero, dating opisyal ng Quezon Police Maritime Group na nagretiro sa serbisyo noon pang buwan ng Enero, ayon kay Superintendent Alex Orfanel, Lucena police chief.

Sa ulat ng mga imbestigador, alas-7:45 ng umaga, si Valero ay sakay ng kanyang Mitsubishi Adventure nang huminto ito sa tapat ng village elementary school sa Purok 7 dahil sa namataang may nambato sa labas ng kanilang bahay.

Dalawa sa tatlong suspek na sakay ng isang pulang motorsiklo ang lumapit sa biktima at agad na pinagbabaril ito nang paulit-ulit, ayon pa rin sa report ng pulisya.

Matapos ang pamamaril sa biktima, agad na sumakay ng motorsiklo ang mga salarin at lumayo sa pinangyarihan ng krimen. Dead on the spot si Valero, ayon kay Superintendent Rufina Baldovino, SOCO Chief ng Quezon.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.