Retiradong pulis, patay sa hit and run

BACOLOD CITY – DEAD on arrival sa ospital ang isang retiradong pulis matapos mabundol ng sasakyan sa Bacolod City.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo si Ret. C/Insp. Melvin Matulac, residente ng Brgy. Granada, Bacolod City na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nangyari ang aksidente habang naglalakad-lakad sa daan ang biktima bilang bahagi ng kaniyang ehersisyo tuwing umaga.

Batay sa mga nakakita sa aksidente, isang Kia Sportage na may plate number na YAE 872 ang nakabundol kay Matulac, ngunit mabilis na pina-takbo ng driver ang sasakyan matapos ang insidente.

Nananawagan ngayon ang misis ng nasawing pulis na si Ma. Dolores na sumuko sa mga kinauukulan at harapin ang krimeng nagawa ng tumakas na driver. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.