Retiradong pulis, niratrat

PATAY ANG ISANG retiradong pulis matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala ng .45 na kalibre na baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ang katawan ang biktimang si Henriquito Vergara ,57, may-asawa, retired SP03 ng Manila Police District (MPD) at residente ng # 67 Magsaysay St., Brgy., San Agustin ng nasabing lungsod.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng Malabon police sa agarang pagkakakilanlan sa dalawang kalalakihan na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi, nang maganap ang krimen sa Magsaysay St., Brgy., San Agustin ng nasabing lungsod.

Ayon pa sa ulat, pauwi ang biktima sa kanilang bahay nang bigla na lamang lumutang ang mga suspek na armado ng .45 kalibre na baril, at walang habas na pinagbabaril si Vergara na tinamaan sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patu-ngong Rizal Ave. ng lungsod dala ang ginamit na baril sa krimen habang agad namang dinala ng ilang nakakita sa pangyayari sa nasabing pagamutan ang biktima subalit hindi rin ito umabot pang buhay.

Inaalam na rin ng pulisya, kung ano ang tunay na motibo ng mga suspek sa pagpaslang sa biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.