Retiradong Pulis, Natagpuang Patay at Tadtad ng Saksak

TODAS NA at tadtad ng saksak nang makita ang retiradong pulis sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Renato De Castro Sr., 67, ng Gen Luna St., ng lungsod.

Base sa ulat, alas-8 ng gabi, umuwi ang anak ng biktima na si Junior at laking gulat nang makitang tadtad ng saksak at patay na ang kanyang ama.

Agad na ipinagbigay-alam ni Junior sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam na kung sino ang salarin.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.