Retiradong Parak at Anak, Todas sa Riding-In-Tandem

 

ISANG RETIRADONG pulis ang namatay kasama ang kanyang anak na lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanilang tricyle sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril ang mag-amang sina SPO4 Raymund Lestango, 57; at ang anak nitong si Raymundo Lester, 33, na parehong naninirahan sa Capitol Subd., Brgy. 179, Amparo Village, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Sa ipinarating na ulat ni Caloocan City Chief of Police sa tanggapan ng Northern Police District (NPD), bandang alas-7 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa boundery ng Catmon Road at Capitol Subdivision.

Nabatid na habang binabagtas ng mag-ama sakay ng kanilang tricycle ang nasabing lugar ay napansin ng mga biktima na may hinoholdap ang dalawang hindi nakikilalang riding-in-tandem.

Sa puntong ito, sinigawan umano ng nasabing pulis ang mga suspek at pagkatapos ay pinasibad nang matulin ng anak ng pulis ang sinasakyan nilang tricycle subalit lingid sa kanilang kaa-laman ay hinabol sila ng dalawang suspek na riding-in-tandem.

Nang maabutan ay pinaulanan na ng bala ng baril ang mag-ama na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksiyon.

Nakarekober ang mga awtoridad sa lugar ng pinangayarihan ng pitong basyo ng bala ng caliber .45.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.