Retiradong Navy, binoga ang sarili

DAVAO CITY – WINAKASAN ng isang retiradong miyembro ng Philippine Navy ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Panacan, lungsod ng Davao.

Batay sa ulat ng Sasa Police, nakilala ang biktima na si Jason Franco Dela Cruz, 34, na nagpakamatay bandang alas-8:30 ng gabi noong Agosto 27.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, pumasok sa kanyang silid ang biktima saka nagkulong at tuluyang isinagawa ang pagbaril sa sarili. Patay agad ang nasabing biktima.

Napag-alaman na maagang nakapagretiro ang biktima sa serbisyo dahil may sakit ito sa utak.

Patuloy pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga kinauukulan sa naganap na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.