Retiradong Guro, Natagpuang Patay

NATAGPUAN PATAY ang isang 79-anyos na retiradong guro na hinihinalang pinagsamantalahan bago gilitan ng leeg ng isang hindi nakikilalang suspek sa loob ng bahay ng biktima sa Navotas kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rosali Samson, retiradong guro at naninirahan sa # 175 Int. Governor Pascual St., Pitong Gatang, Brgy. Sipac ng nabanggit na lungsod.

Samantala, nagsasagawa naman ng paghahanap ang Navotas PNP laban sa hindi nakikilalang suspek na mabilis na tumakas matapos isagawa ang karumal-dumal na krimen.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Louie Serano, may hawak ng kaso, bandang alas-9:00 ng umaga nang matapuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa nasabing lugar.

Nabatid na isang kapit-bahay ng biktima na nagngangalang Bobit Mathew, 48, ang nakatagpo sa bangkay na agaran namang ipinaalam sa pulisya.

Mabilis namang rumesponde ang pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at kanilang nakita ang bangkay na walang suot na panloob, at may malaking hiwa sa leeg.

Wala namang iniulat ang pulisya na may nawawalang mahahalagang bagay sa loob ng bahay ng namatay, habang ang pulisya naman ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon para makilala ang suspek at ang tunay na motibo sa krimen.       (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.