Retiradong Bumbero, Patay sa Ratrat

DEAD ON the spot ang isang retiradong bumbero matapos na pau-lanan ng bala ng riding-in-tandem sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ni Supt. Bernard Dasugo ang biktimang si FO3 Mario Suwayan, 56-anyos, at residente ng San Pablo City na dating nakatalaga sa Sto. Tomas Fire Station.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, nagdya-jogging lang ang biktima nang lapitan ng magka-angkas na suspek saka pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na baril.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan si Suwayan.

Samantala, bukod sa pagiging bumbero, may negosyo rin ang biktima na refilling ng mga fire extinguisher, na nag-o-operate sa Laguna, Batangas at Quezon.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo sa krimen habang tinutugis na ang mga nakatakas na salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.