Retiradong Army, Itinumba ng NPA

ISANG RETIRADONG sarhento ng Philippine Army ang pinaslang matapos paulanan ng bala ng mga nanloob na rebeldeng New People’s Army sa Barangay Gangalan, San Mariano, Isabela kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Wilfredo Velerio, 62.

Lumilitaw na pumasok sa bakuran ang grupo ni Ka Jerome kung saan apat sa mga ito ang lumapit at pinagbabaril ang biktima na nagkukumpuni ng sasakyan.

Hinalughog pa ng mga nasabing rebelde ang compound ng biktima bago tumakas patungo sa kagubatan ng Sierra Madre.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.