Retiradong Army, Inutas

PATAY ANG isang retired army matapos barilin ng ‘di kilalang suspek sa Iloilo.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Dexter Banabatac, retiradong master sergeant ng Philippine Army.

Nagpapasada ng tricycle ang biktima nang barilin ng suspek na nakaangkas habang nasa Puerto Princesa, Barotac Nuevo.

Dalawang tama ng baril sa ulo ang tinamo ng biktima mula sa .9mm caliber pistol at dead on arrival sa pagamutan sa Barotac Nuevo, Iloilo.

Ayon naman sa Barotac Nuevo Municipal Police Station, patuloy pang pinaghahanap ang naturang suspek at patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.