RETIRADO NAGBARIL SA ULO

MISTULANG NAUUSO ANG kaso ng suicide sa Marikina City  matapos na isang problemadong ama ang nagbaril sa ulo ilang araw matapos maganap sa lungsod na ito ang pagpapakamatay ni Sec. Angelo Reyes sa puntod ng kanyang ina.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Marlie Dalusong, 56 anyos retired employee ng Fortune Tobacco at residente ng  # 49 Cristal St., Twinville Subd., Brgy., Parang, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang pagpapakamatay ng biktima dakong 5:00 ng hapon  sa loob ng banyo ng kanilang bahay gamit ang cal. 38 revolver.

Ayon sa pulisya, isang suicide note na nakasulat sa  ½ size ng yellow paper ang narekober kung saan nakasaad dito ang katagang  “Patawarin nyo ako kung  nagawa  ko  man ang mga bagay na ito, Loise, Ian alagaan n’yo si mama at mga apo ko, pagod na ako. “Mar.”

Hinala ng pulisya mayroong malalim na problema ang biktima at hindi na nakayanan kung kaya’t minabuti nitong magpakamatay.

Samantala, tumanggi naman ang mga kaanak na isalang sa autopsy ang bangkay at hindi na rin nagbigay pa ng detalye sanhi  ng  naturang usapin ng pagpapakamatay ng biktima sa kadahilanang tanggap na rin umano ng mga ito  ang  mga  pangyayari batay na  rin sa imbestigasyon  ng pulisya.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.