Retarded, ginahasa ng manyak na mister

SWAK SA KULUNGAN ang isang mister matapos itong ireklamo ng panghahalay ng dalagang may diperensiya sa pag-iisip, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Rape ang suspek na si Ferdinand Serrano, 46 ng Bisig ng Kabataan ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi, nakatayo malapit sa kanilang bahay sa Masagana St., ng lungsod ang biktimang edad 37 nang lapitan ng suspek at ayain sa motel.

Sumama naman ang biktima kahit hindi alam kung ano ang motel hanggang sa dalhin ng suspek sa Primas motel sa MacArthur ng lungsod at doon hinalay.

Nang makaraos ay inuwi na ng suspek ang biktima subalit nang tanungin ng mga magulang ang dalaga ay nagawang maikuwento ang ginawa ni Serrano na naging dahilan upang ipadakip.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.