Retailers ng oil products, binalaan ng BIR

BINALAAN NG Bureau of Internal Revenue (BIR) ang retailers ng mga smuggled petroleum product.

Sa isang pahayag, si-nabi ni BIR Commissioner Kim Henares na dapat tiyakin ng mga retailer na hindi smuggled ang mga ibinebenta nilang produktong petrolyo.

Babala niya, karaniwang ang retailers ng smuggled oil products ang naiipit sa asunto dahil nakapupuslit ang mga smuggler.

Agad namang nilinaw ni Henares na hindi ito nangangahulugang makaliligtas na sa kanilang pagtugis ang mga smuggler ng mga produktong petrolyo.

Samantala, tinatayang bilyong piso ang nalulugi sa pamahalaan dahil sa talamak na smuggling ng gasoline products.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.