Resulta sa Imbestigasyon sa Robredo Plane Crash, Ilalabas na

 

MALAPIT NANG ilabas ang resulta ng pagsisiyasat ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pagbagsak ng eroplano na sinakyan ng yumaong Interior Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay dating DOTC secretary at ngayo’y Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, na isinasapinal na ngayon ni DOTC Sec. Jun Abaya ang nasabing ulat.

Gayunman, tumanggi and mambabatas na magbigay ng anumang pahayag hinggil sa ulat dahil ayaw umano niyang pangunahan si Abaya.

Sinabi rin ni Roxas na nais muna ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na ipaalam ang resulta ng pagsisiyasat sa biyuda ni Robredo na si Atty. Leni bago isapubliko ang buong report.

Maaalala na sa ilalim ng pamumuno ni Roxas sa DOTC nang simulan ang pagsisiyasat sa bumagsak sa eroplano ni Robredo sa Masbate noong Agosto 18.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.