Resulta sa Imbestigasyon sa ‘Pork Barrel Scam’, Hintayin

HINILING NG Department of Justice sa publiko na iwasan ang mga ispekulasyon hinggil sa ginagawang pagsisiyasat  ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nabunyag na P10-bilyon na pork barrel scam.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, patuloy pa ang pangangalap ng NBI ng mga impormasyon at evaluation sa mga natatanggap na ebidensiya.

Una rito, mariing itinanggi nina Senador Loren Legarda at Bongbong Marcos na sangkot sila sa tinaguriang “mother of all scams”, kung saan sinasabing nagagamit sa anomalya ang pork barrel ng mga senador.

Nitong nakaraang linggo, kinumpirma ni De Lima ang ginagawang imbestigasyon ng NBI laban sa negosyanteng si Janet Lim Napoles, ang may-ari ng JLN Group of Companies, na sinasabing nakikinabang sa mga Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas.

Lumalabas sa unang media report, sangkot umano ang kumpanya sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno, kabilang ang P728-million fertilizer fund scam.

Maging si Executive Sec. Jojo Ochoa ay nakaladkad na rin sa isyu bagama’t una na rin itong pinabulaanan mismo ng Palasyo.

“Whether or not lawmakers are or will be part of the NBI probe or whether or not there’s need to issue a look out bulletin will depend on results of the evaluation of the evidence,” ani  De Lima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.