Respetuhin ang Kalikasan!

0906701xxxx – Mr. Raffy Tulfo, ako po ay isang concerned citizen. Kami po ay lubhang nababahala sa aming lugar. Mayroon pong mala-king fish pond sa aming lugar na may mga tanim na Mangroves at Nipa. Nasa ating batas po na bawal putulin ang mga ito pero patuloy pa rin po ang ginagawa nilang pamumutol. At ang isa sa mga responsable sa  pamumutol ay si SPO1 Jeofredo D. Teologo. Sana po ay makiisa po kayo sa amin na pa-ngalagaan ang ating kalikasan.

 

0907270xxxx – Idol Raffy, ako po ay isang truck driver. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla pong tumirik ang minamaneho kong truck. At noong mga oras na iyon, mayroon po palang traffic enforcer na nakaupo malapit sa aking truck. Sinubukan ko pong bombahin ang silinyador ng truck para umandar at doon po sinigawan ako at pinagmumura ng traffic enforcer na ito. At bukod po roon, binatukan pa po ako sa noo ng tatlong beses. Idol, sana po tulungan ninyo ‘ko na maparusahan ang mayabang na enforcer na ito. Maraming salamat po.

 

0918235xxxx – Mr. Tulfo, nais ko pong humingi ng tulong sa inyong programa. Dito po sa may Roxas District ng Manuel Roxas High School, ang mga estudyante po ay hindi nabibigyan ng proteksyon. Tuwing uwian po ng mga estudyante ay mayroong mga tambay na nangungursunada at ang mga nagiging biktima ay mga estudyante. Hiningi na po namin ang tulong ng eskuwelahan pero ang sagot sa amin ay hindi na nila kargo basta nasa labas na ng kampus. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming suliranin.

 

0939122xxxx – Boss Raffy, nais ko lang pong isumbong sa inyo ang isang tauhan ng aming Mayor na nagngangalang Jun Romy. Ito pong tauhan ni Mayor ay grabeng manghingi ng tong pero pinipili lang ang binibigyan ng puwesto rito sa lugar ng Quirino. Sana po ay maipahatid ninyo sa Mayor Bernabe na ito na bulok ang pamamalakad nila at hindi patas sa lahat.

 

0948532xxxx – Sir Tulfo, nais ko pong humingi ng tulong para sa ming lugar. Talamak  po ang sugalan dito sa lugar ng Capistrano Compound, Ibayo, Tipas, Taguig City. Ipinaalam na po namin ito sa kinauukulan pero talagang  walang aksyon na ginagawa ang mga may kapangyarihan. Umaasa po kami na matutulungan ninyo ang aming lugar. Marami pong salamat.

 

0946658xxxx – Tol Raffy, nais ko pong kumpirmahin sa inyo ang sinasabi ng mga pulis sa akin. Ang asawa ko po kasi ay nakakulong sa salang homicide. Ayon po sa mga pulis kapag po ganito ang kaso ay araw-araw na tatakalan sa loob ng kulungan at kapag hindi ako makapagbigay ng halagang limang libo ay itataas nila sa murder ang kaso ng asawa ko. Tulungan po ninyo kami, mahirap lang po kami at hindi sapat ang aking kaalaman. Salamat po.

 

0948614xxxx – Mr. Action Man, nais ko pong idulog sa inyo na maimbestigahan ang mga bagong police mobil ngayon ng Lungsod ng Kalookan. Ito po ay walang mga plate number at walang mobil number. Ito rin po ay ginagamit ng mga tiwaling pulis na ito sa pagdedelihensiya. Pinapara nila ang mga malalaking sasakyan lalo na kung makikita nila na merong dalang kargo. Sana po ay maipahatid ninyo sa kanilang pinuno. Salamat po.

 

Para sa inyong mga sumbong at reklamo, mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.