Respetadong aktres na may sweet image, mahilig pala sa alak at sigarilyo!

SHOCKED ANG isang tabloid editor sa hinahangaan niyang respetadong aktres. Hindi kasi raw niya akalaing kabaligtaran ng very sweet at disenteng image ng aktres ang totoong ugali at pagkatao nito.

Kliyente ng isang kilalang designer na kaibigan ng tabloid editor ang aktres na ito. At dahil alam ng designer na avid fan ng aktres ang tabloid editor, minsan ay niyaya raw ng designer ang editor na sumama sa bahay ng aktres.

Natiyempuhan nilang katuwaang nag-iinuman ang aktres at ang ilang kaibigang babae nito. Lasing na raw ang aktres na panay ang  buga ng usok sa hinihitit na sigarilyo.

Panay mura raw ang expression ng aktres habang nakikipagtsikahan sa kanyang mga amiga. At ang topic… puro kabastusan kaya sige ang kanilang halakhakan.

Naloka ang tabloid editor dahil ang pagkakaalam niya at maging ng sambayanan… hindi naninigarilyo at umiinom ang aktres. Napakapinong kumilos at magsalita sa harap ng kamera na parang hindi makabasag-pinggan. Tapos gano’n daw pala ito sa totohanan.

Nasisi pa tuloy ng editor ang designer na hindi na raw sana siya isinama sa bahay ng aktres. Biglang nawala raw kasi ang respeto at paghanga niya rito. ‘Yon na!

(By Ruben Marasigan)

 

loading...

25 thoughts on “Respetadong aktres na may sweet image, mahilig pala sa alak at sigarilyo!

  1. hoy sharon kubeta, tanga ka ba??? sarah geronimo ka dyan, eh boyfriend hindi magawa yan pa kaya.. tska bawal sa kumakanta ang magyosi at beer… ulaga!

  2. I guess its anne curtis. I saw video of her kasama sila georgina wilson , solenn atpb.
    sa labas ng venue naghaharutan sila anne w/ georgina habang may sigarilyo.. madalas din sila mag hang out sa bahay ng bawat 1. 

    Di naman siguro gusto mang husga..its just that di lang nya inaasahan ung nakita nya.

    At duwag talaga ung nagsulat ng BI na to.. or worst gawagawa nya lng kaya di sya makapagbigay ng clue. basta may maisulatlang

  3. AGREE na talaga ang lahat ng mga knowing sa showbiz happenings na si ANGEL LOCSIN at wala ng iba ang blind item!

  4. ang ganda ng boses ay di nakukuha sa biritan. Hindi ako fan ni sarah pero kung sa iba2 lang na TH kumanta kahit sintunado eh kay sarah na ako. :-(

  5. Walang kuwentang BI. Walang clue. Sana wag na lang mag BI , kung walang clue. Walang ka challenge-challenge.

  6. ah hindi si marian to, respetado at sweet daw eh. nakanamaaan parazzi!!! for a change, hindi si marian ang blind item nyo ngayon ha!! lol

  7. ASO ulol! D nga halos makalabas ng bahay na d kasama ang nanay ang makipag imunan pa kaya.mag isip ka Puro ka nalang Sarah annoy!

  8. Naku I blind item pa dapat pangalanan na para malamanng publiko at mahingan din ng opinion Kung dapat ba siyang husgahan o Hindi at maipagtanggol din niya ang kanyang sarili

  9. So? eh kung si cristy fermin nga raw di lang ngangaera, nananabako pa, hayaan nyo na, di naman kayo hinihingan ng pambili ng alak at yosi.

  10. Eh ano namang masama jan? Nakapatay ba siya ng tao? In moderation lang naman eh…wow grabe manghusga! Ano ka galing ka sa kumbento?

Leave a Reply

Your email address will not be published.