Resort sa Bora, Muntik Masunog

MUNTIK NANG masunog ang isang resort sa Station 2 sa Balabag area sa isla ng Boracay matapos na mag-overheat ang isang generator set kamakailan.

Batay sa report ng mga kinauukulan, maraming turista ang natakot at naglabasan nang biglang umapoy at umusok ang genset ng Willy’s Beach Club Hotel kung saan nasunog pati ang chimney nito na gawa lamang sa plywood.

Agad namang naapula ang apoy ng mga personnel ng nasabing resort hanggang sa dumating ang mga bumbero mula sa Bureau of Fire Protection unit ng Boracay.

Nabatid na halos apat na oras na nagkaroon ng blackout sa nasabing isla.

Sinabihan naman ng BFP-Boracay ang may-ari ng resort na palitan ng concrete materials ang chimney nito upang maiwasan ang sunog. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.