Resort, Niratrat ng Bala; 1 Kritikal

NABULABOG ANG mga bakasyunista sa isang resort sa lalawigan ng Albay makaraang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin.

Kritikal ang isang 23-anyos na binata habang masuwerte namang nakaligtas ang iba pa habang naliligo sa Hacienda White Beach Resort sa Barangay Malobago, bayan ng Manito Albay.

Ang nasabing biktima ay kinilalang si Alex Abella y Alzaga at residente ng EMs Barrio, Barangay 2 lungsod ng Legazpi.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kinauukulan, napag-alaman na habang nasa kasagsagan ng pakikipagsaya kasama ang kanyang mga kapamilya nang bigla na lamang narinig ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan dalawang tama ng bala ang tinamo ni Abella.

Samantala, na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang ilang empty shells ng calibre 45 baril.

Sa ngayon, nagpa-patuloy pa ang pagsisiyasat  ng mga awtoridad sa tunay na motibo sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.