Resolusyon sa Pag-alis sa Pork, Magkakaiba ng Bersyon

HINDI KUMBINSIDO ang ilang kasapi ng minorya sa Kamara sa sinseridad ng resolusyong pinaiikot ng mayorya para sa pagbuwag ng pork barrel.

Sinabi ni 1-BAP partylist Rep. Silvestre Bello III na pang-smokescreen lamang ito ng mga maka-administrasyon at hangad ng mayorya na pahupain ang galit ng taong-bayan na namuo dahil sa pork barrel fund scam.

Ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, divertionary tactics lang ang resolusyong ito para iligaw ng majority congressmen ang atensyon ng taumbayan sa tunay na isyu na balot ng katiwalian ang pork barrel.

Sinabi naman ni ACT Rep. Antonio Tinio na tila ghost resolution ang ginawa ng majority bloc dahil hanggang sa kasalukuyan ay halos wala pang nakakaalam kung ano ang eksaktong laman nito.

Maging ang kaalya-do ng administrasyon na si Eastern Samar Rep. Ben Evardone ay inaming iba-iba ang laman ng kumakalat na kopya ng resolusyon sa kanilang hanay at maging sa mga mamamahayag.

Samantala, posible umanong ito ang rason kaya matumal ang pagpirma ng ibang mambabatas, maliban pa sa nakukulangan ang mga ito ng pagpapaliwanag ukol sa panukalang abolisyon sa pork.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.