Resolusyon sa kaso ni Katrina Halili, ilalabas na

MALAMANG NA ilalabas na raw ng investigating panel ng DOJ ang resolution kaugnay sa Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Katrina Halili laban kina Dr. Hayden Kho, kasama na doon sina Dra. Vicki Belo, Eric Chua, Dr. Bistek Rosario at Princess Velasco.

Nu’ng nakaraang Martes ay nagkaroon ng hearing sa DOJ para imbestigahan ang ilan pang involved na sina Dra. Belo, Eric Chua, Dr. Bistek at Princess.

Wala sina Katrina at Dr. Hayden at muling ipinagbawal ang media sa loob ng imbestigasyon kaya naghintay na lang sila sa labas para ma-interview sina doktora pagkatapos sila imbestigahan.

Unang isinalang si Dra. Belo at mahigit isang oras itong inimbestigahan. Paglabas nito ay umiiyak na siya.

Sabi ni Dra. Belo dahil sa imbestigasyon sa kanya, muling nanumbalik ang masakit na alaala ng break-up nila ni Dr. Hayden pitong buwan na ang nakalipas at ang pagkasangkot ni Katrina sa hiwalayang iyun.

Pero ewan ko lang ha? Talagang nag-break na ba sila? Siyempre, si Manay Lolit Solis ayaw maniwala kung tuluyan na silang naghiwalay dahil ang pagkakaalam niya, nakatira pa rin si Dr. Hayden sa sosyal na Pacific Place na binabayaran ni Dra. Belo.

Napagod  na raw nang husto si Dra. Belo sa kasong ito dahil ilang araw rin silang inimbestigahan pero kailangan niyang harapin para mapatunayang wala siyang kinalaman sa pag-upload ng sex video at siya pa nga ang biktima sa gulong ito.

Hindi sila sabay na isinalang sa investigating panel kaya matagal ang hearing na iyun dahil talagang tinapos ang imbestigasyon kina Eric, Dr. Bistek at Princess.

Ang sabi ng head ng investigating panel na si Sr. State Prosecutor Emilie Fe delos Santos, iri-review na nila ngayon ang mga facts na naimbestiga nila at kung sapat na raw ang nakuha nilang impormasyon, malamang na sa susunod na linggo ay maglalabas na sila ng resolution kung aakyat ang kaso sa korte o hindi.

Tahimik na  ngayon si Katrina pagdating sa kasong ito dahil marami na ang nagsasabi sa kanyang medyo nega na ang dating nito magmula nang maging litigation happy na raw sila sa kasasampa ng kung anu-anong kaso sa mga taong involved dito na pati ang Belo Medical Group ay pinagdiskitahan nito.

May nakarating pang balita sa amin na gusto pa raw sana ng abugado ni Katrina na si Atty. Raymund Palad na sumama ang seksing aktres sa isang pasyente ni Dra. Belo na nagreklamo para lalong idiin ang Belo Medical Group. Pero tumanggi na si Katrina dahil ayaw na nitong makisakay sa ganung isyung wala naman siyang kinalaman.

Sana, nu’ng nagsampa na ito ng kaso, nanahimik na si Katrina at hindi na nagdemanda ng iba pang reklamo laban kay Belo dahil hindi na ito sympathetic sa kanya.

Okay na sana nu’ng lumabas siya at magsampa ng reklamo sa NBI at umabot na sa DOJ, pero parang hindi na nila alam kung saan titigil kaya tuloy naging nega na ang dating nila.

Comment ng iba, parang nag-e-enjoy na yata ang abugado ni Katrina sa ganitong exposure kaya’t  kung anu-ano pang naiisip nilang gawin at ang pinag-initan pa si Dra. Belo na noon pa lang ay inagawan ng boyfriend ni Katrina.

by Gorgy’s Park

loading...

10 thoughts on “Resolusyon sa kaso ni Katrina Halili, ilalabas na

  1. buti na lang lumalaban si katrina di gaya ni maricar na kinonsinte lang si hayden. yun ang tama. so makukulong na ang malanding gurang na si belo? hakhakahak!

    ang kinaiba nya kay madame auring e mas madatung lang sya. pero ang itsura pareho na kay m. auring at ellen at michael jackson. hakhakhak!

    ay naku, punta kayo sa belo clinic at your own risk. mag calayan na lang kayo, may free cd pa kayo. hakhakhak!

  2. si Katrina naman talaga ang nagsimula ng lahat ng ito.Nagpakasarap sya kay Hayden noon karma ang nangyari sa kanya.Lesson here wag mang-agaw ng boyfriend

  3. They need to get that woman that they did a fanny botched up job, as a witness. Sirang sira ang puwet nang ginang na ito. Lumabas sana siyang witness. Marami nang kapalpakan ang Belo Medical Group na pinalampas.
    Manalo sana si Ms Halili at matanggalan nang lisensiya ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.