Reso sa ‘total pork abolition’, bigong aprubahan ng mga senador

MATAPOS ANG ilang oras na caucus, bigo pa rin ang mga senador na aprubahan ang resolusyon na tuluyang bubuwag sa pork barrel sa susunod na taon.

Sa halip, pinagsusumite ang bawat senador ng kani-kaniyang panukala kung ano ang gusto nilang gawin sa tig-P200 milyong PDAF.

Kailangang isumite ang nasabing panukala hanggang Nobyembre 11.

Sa darating na Nobyembre 18, magkakaroon muli ng caucus para sa pinal na desisyon na isusumite sa finance committee.

Aminado rin si Senate President Franklin Drilon na bagama’t mayorya ng mga senador ay pabor sa pagbuwag sa pork barrel, may ilan namang gusto pa ring ilaan ang pondo bilang calamity fund.

Samantala, idinahilan din ni Drilon na maraming mambabatas ang absent kaya hindi sila nakalikha ng desisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.