Reso sa Cha-Cha, Inihain na sa Kamara

SA KABILA ng mahigpit na pagtutol ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa isyu ng Charter change (Cha-Cha), pormal nang naghain ng resolusyon sa Kamara si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. para sa panukalang amyendahan ang Konstitusyon.

Iminungkahi ni Belmonte ang pagbabago sa ilang economic protection provisions ng 1987 Constitution.

Partikular aniya rito ang Articles 2, 7 at 16 na tumutukoy sa usapin ng national territory, national economy and patrimony at general provisions.

Nais din umanong amyendahan ng mam-babatas ang mga probisyong nagtatalakay sa pag-aari ng lupain, likas na yaman at negosyo sa bansa.

Una rito, nagpahiwatig na ang Palasyo na hindi nito haharangin ang plano ng ilang kaalyado na buhayin ang Cha-cha sa ilalim ng 16th Congress.

Una nang ikinatuwiran ng mga nagsusulong ng Cha-Cha na napapanahon nang maipasa ang panukala para matiyak ang pag-unlad ng bansa lalo’t malaki ang tiwala ng sambayanan kay Pa-ngulong Aquino.

Ayon kay Communications Group Sec. Sonny Coloma, nirerespeto nila ang mandato ng Kongreso na gawin ang sa tingin nila ay magiging kapaki-pakinabang sa Pilipinas.

Pero sinabi ni Coloma na malamang na ibasura lamang ito ng pangulo dahil hindi ito nagbabago ng posisyon.

Samantala, nanindigan ang Pangulong Aquino na hindi pa kailangan ang pag-amyenda sa Konstitusyon para umunlad ang ekonomiya ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.