Reso Para sa Private Audit sa Senate Funds, Inihain Na

BAGAMA’T MAY pahayag na ang Commission on Audit (COA) na sila lamang ang dapat sumuri sa pondo ng mga ahensya ng pamahalaan, nanindigan pa rin ang minorya sa Senado sa kagustuhan na i-audit ng private auditing firm ang pondo ng kapulungan.

Pormal nang inihain kahapon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang resolusyon na humihiling na isailalim ang Senado sa pagsusuri ng isang pribadong auditing com-

pany.

Walang legal na balakid ang private o aniya’y people’s audit sa Senado, ani Cayetano.

Dahil dito, umaasa ang senador na kung gaano kabilis na naresolba ng mayorya ang sistema ng pagli-liquidate ng pondo at gamitan na ng resibo at voucher, sana raw ay ganoon din kabilis na aprubahan ng mayorya ang pribadong pagsusuri sa pondo ng Senado.

Samantala, nang tanungin kung sino ang magbabayad, ayon kay Cayetano, baka may mag-volunteer na mga abogado o pribadong kompanya o indibidwal para sa good governance o kung wala naman ay posible raw mag-ambagan sila sa minority o kung sinuman ang gusto pang umambag.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.