Residente ng caloocan pinag-iingat ni Recom sa christmas lights

PINAG-IINGAT NI Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residente ng lungsod sa pagbili at paggamit ng mga mahinang klase ng Christmas lights ngayong panahon ng kapaskuhan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog sa kanilang lugar.

Kasabay nito, binalaan na rin ni Echiverri ang mga negosyanteng nagtitindi ng mga mahinang klase ng Christmas lights na itigil na ang kanilang pagbebenta dahil posibleng maharap ang mga ito sa kaukulang kaso sakaling mahuli sa pagtitinda.

Ayon kay Echiverri, maraming mga mahinang klase ng Christmas lights ang itinitinda ngayon sa mga bangketa na mada-

ling magliyab ang ginamit na “linya” na maaa-ring maging dahilan ng biglaang pagkakaroon ng sunog.

Dahil dito, inatasan na rin ni Echiverri ang lokal na pulisya na mag-ikot sa mga palengke at iba pang pamilihan upang hulihin at pagbawalan ang mga nagtitinda ng mahihi-lang klase ng Christmas lights.

Lumalabas sa isinagawang pag-aaral na mas madaling magliyab ang mga linya o wire na ginagamit sa mga itinitindang mahihinang klase ng Christmas lights kumpara sa mga aprubado ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi pa ng alkalde, mas nararapat na bilhin ng mga residente ang mga pailaw na may markado ng DTI nang sa gayon ay matiyak ang kaligtasan sa paggamit nito lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan.

Samantala, nakipag-

ugnayan naman si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga opisyal ng barangay sa lungsod na tumulong sa lokal na pulisya sa pagbabawal at paghuli sa mga nagti-tinda ng mga mahinang klase ng pailaw.

Hiniling din ni Mayor Recom, sa mga residente na makipagtulungan sa lokal na pulisya upang hindi na kumalat pa sa lungsod ang mga mahihinang klase ng Christmas lights na delikadong gamiting pailaw ngayong kapaskuhan.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.