Resbak ni Jose sa paninira sa asawa

AIN’T NO MOUNTAIN high enough: And no valley low enough, for comedienne Candy Pangilinan, as she braved the storm that passed her life sa mga katagang “Tao po ako, hindi Igorot!” Natapos na ang isyu nang i-lift na ang pagba-ban sa kanya o sa pagiging persona non grata niya sa City of Pines.

At may mensaheng padala si Candy sa lahat ng taong nakaunawa at nagdasal para sa kanyang paglalakbay sa Baguio, hanggang sa matapos ang Linggo at Lunes na nasabi niyang pinakamahabang oras na nanatiling gising ang diwa niya:

“Thank you everyone who prayed for me, sent messages of encouragement and helped me in any way. You know who you are. I know that I cannot in any way repay the support and kindness you have shown me and my family during our trying times. But God knows who you are and pray that He may be the one to reward your goodness by grantingyour hearts desires. Again, thank you for your love!”

For Candy, ito na ang pinakamagandang birthday gift na tinanggap niya sa kanyang buhay. Hindi ba si GB Sampedro?

NO WAY (FOR) Jose’: Ayaw na ngang palakihin ni Jose Manalo ang mga isyung sinimulang ipukol sa kanyang misis ng ilang mga taong naka-deal nito sa matagal na niyang business ng pag-aalahas.

‘Yun na rin naman daw kasi ang payo sa kanya ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanilang mag-asawa.

Sa mahabang kuwentong ibinahagi sa akin ni Jose, mababasa mong may mga tao lang na talagang gusto siyang sirain pati na ang kanyang pamilya sa patuloy nilang pagkakalat ng kung anu-anong maisisira nila sa couple.

Kung tutuusin, marami sa mga alegasyong ibinato sa kanyang maybahay ang mapapatunayan nina Jose na salat sa katotohanan. Pero ang paniwala niya, may tamang proseso para sa lahat ng bagay.

Ang isang bagay na nakita naming maganda sa komedyante, ang hindi nito pagkalampag sa mga taong puwedeng makatulong sa kanya. Dahil ang problema raw, kung meron man eh, sa asawa niya at sila ang magso-solve nito.

Maraming masasamang mga bagay na diumano’y ginagawa ang nasabing grupo para guluhin ang katahimikan ni Jose at ng kanyang misis. Ipinakiusap na lang nitong huwag na namin itong i-detalye pa.

Sa ganang akin, foul ang nasabing mga pamamaraan. Ang lahat daw ay masasagot ni Jose, or for that matter ng kanyang misis sa tamang venue at sa naaayong proseso. Hindi raw ang tipo niya ang pwedeng gaguhin. Matagal na raw siyang gago (sa salitang kalye).

Wala naman daw silang dapat na ikabahala dahil alam nilang sila ang nasa matuwid. Sa gig niya sa Klownz, nakita namin kung paano pa ring patuloy na suportahan ng kanyang mga followers na rin sa Eat…Bulaga! na audience niya ang better-half ng Wang-bu (Wally Bayola) at Kal-bu (Jose) tandem. In short, walang epekto ang ginagawang pagsira kay Jose at sa kanyang beloved wife!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

14 thoughts on “Resbak ni Jose sa paninira sa asawa

  1. wala naman dapat ipaliwanag si jose, lalo na sa inyo… mga tsismoso at tsismosa… cnu kaya mas masama sa inyo??? kayo nga kung magparatang kala nyo kilala nyo yung tao…

  2. WHY DOES VIC SOTTO AND JOEY DE LEON HAVE TO DEFEND HIM. I HEARD THERE ARE A LOT OF THE VICTIMS THAT PICKETED THE GMA7 STUDIO. WHY DO ALL OF THE VICTIMS CLAIM THAT HIS WIFE HAS USED KRIS AQUINO’S NAME IN HER SCHEME. PAY UP OR FACE THE CONSEQUENCE.

  3. jose manalo sagutin mo ang mga issue!

    nde ung puro ka palusot!

    bat kayo sisiraan?

    e mga mukang dugyot kayo,
    nde nmn kayo artista pra siraan,,

    singit ka lng sa eat bulaga pra mging host,
    ang baduy pa ng mga patawa mo,
    palibhasa pangit muka mo
    kya natatawa mga tao sau..

    haynaku jose sumagot ka!! pweh!

    gma basura!

  4. My opinion.. i think jose and his wife should face and answer all of these! I can’t see any reason why all those people wil come-out in public and tell all thier accusations… I think there’s a lot to explain to all concern people… because if they are really not guilty with all the accusation.. they (Jose & Annalyn) should defend themselves.. right???

  5. KOrek. Pede ba Jose Wak mag ilusyon na sikat ka at sinisiraan.. At si pia guano wag ka nga mag pa cute hindi bagay. Majonda ka na noh!!

  6. eww..ha …bat kayo sinisiraan lang..ano ba kayo sa showbiz ha..naku..mag reason naman ang mga ito parang bobo..hello..mag isip nga..kala nyo naman sikat kayo para siraan…totoo talaga..bullshit

  7. Jose,

    Good luck sa inyo ng misis mo? Where is Wally? I havent seen him on EB lately.

    Puwede bang pakisabi kay Pia Guano na huwag nang magmini-skirt. Ang pangit kasi ng legs niya, kahit na mahaba, hugis piki and ang itim-itim ng tuhod niya.

    Please ha, baka mawalan kayo ng fans ni Wally.

    Trying hard si pia guanio talaga, please tell her.

    • tingin ko ay pilit ginagaya ni pia guanio si kris sa pagdadamit. don’t get me wrong, i don’t like kris kase masyado siyang maarte.

  8. Bkit cla sisiraan eh mukhang di hamak na masmayaman mga nagrereklamo kesa sa kanila. Wala silang mapapala. Tsaka di naman pwd dayain ang tumalbog na cheke. Haist.. Tsk tsk

  9. bkit nman sya ssiraan ng mga ngdemanda sa asawa nya kung walang batayan? paawa effect lang yan at cguradong lubog na ang career nyan pag npatunayang maraming nagoyo ang magasawa. hndi nman sya npkalaking pangalan sa showbiz pra gawan ng paninira! totoo lang ang mga ibinibintang sa kanila! e knwentuhan ka lang, ngpaniwala ka na smantalang hndi nman mgrereklamo ung mga tao kung walang naman talagang irereklamo!

  10. well if u guys are really not guilty u have to answr all the alligation,dont just say na sinisira lang kayo,kasi hindi maganda ang mga sinasabi nila,you need to speak out,,unless guilty nga ka yo talaga,kung sini sino ang mga dinadamay ninyong pangalan,kausapin mo ang asawa mo no,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.