Republic of CBCP

HIGH FLYING GRO ang naging dating ng mga Cebu Pacific attendants na sumasayaw pa sa ere habang nagde-demo ng mga safety tips sa kanilang mga pasahero.

Okey lang ‘yan basta huwag lang maiinggit ang mga piloto.

Kapag sumayaw na ang piloto, malamang pati eroplano mag-disco!

PATIGASAN TALAGA NG mukha sa pulitika.

Parang adobe na sa kapal ang mukha ni Quezon City Congressman Winnie Castelo.

Maraming pulitiko na ang nahiyang ibandera ang kanilang mga mukha at pangalan matapos ang direktiba ni Noynoy laban dito.

Si Castelo, umiral na naman ang kanyang magaspang na ugali noong eleksiyon na tinatakpan ng mga propaganda materials ang mga traffic lights.

Nagkalat na naman ang kanyang mga pangalan sa kung saan-saang sulok ng second district gamit ang Commission on Higher Education scholarship.

Kastigo ang dapat sa matapang ang apog na si Castelo!

HINDI DAPAT IPINALALABAS sa telebisyon ang balita tungkol sa child suicide.

Responsibilidad ng media na iligtas ang kabataan sa ganitong klase ng trahedya.

Maraming bata ang walang muwang sa maraming bagay, lalo na sa usapin ng pagkitil ng sariling buhay.

Iba na talaga ang sistema ng media ngayon.

MAY MGA NAGWAGI na sa bidding ng Comelec para sa mga paraphernalias sa October 25 barangay at SK elections.

Sino na naman kayang mapalad na taga-Comelec ang naging broker para sa sweetheart deal na ito na umaabot sa halos P300 milyon?

PINALITAN NA PALA lahat ang undersecretaries sa Department of Education.

Pagpasok ni Secretary Armin Luistro, winalis ang mga dating DepEd Usec dahil marami na ang sumablay sa kanila.

Kaliwa’t kanan ang eskandalo sa DepEd sa ilalim ni Secretary Jesli Lapus dahil naging pugad na ito ng mga gustong yumaman sa gobyerno.

Ang multi-billion text book scam at multi-million instant noodle scam ay ilan lamang sa mala-higanteng anomalya sa DepEd na dapat iwasang mangyari sa termino ni Luistro.

Pero teka muna Sec, kung inalis ang mga Usec, dapat tangayin na rin ng agos ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee d’yan.

Kung sila-sila pa rin ang hahawak ng mga bidding sa DepEd, t’yak na walang pagbabagong mangyayari.

MAY ISA PANG matinding anomalyang nangyayari na dapat masipat ng mga mambabatas.

Ang ga-bundok na katiwalian sa development ng Smokey Mountain at Harbor Centre sa Tondo area ang dapat maging sentro ng imbestigasyon ng Senado.

Kung bubusisiin ang Globe Asiatique-Pag-ibig scam, kailangan ding pagtuunan ito ng pansin dahil bilyun-bilyong piso ang nalugi sa gobyerno sa transaksiyon ng Smokey Mountain development.

SOBRANG ARTE NG Simbahan.

Parang may malasakit sa mga mamamayan kung tutulan ang population control management program ng gobyerno.

Hindi n’yo nga mabuksan sa publiko ang Simbahan para matulugan ng mga walang bahay, gusto n’yo pang paramihin ang tao!

Mahiya naman kayo sa balat n’yo!

Kabit-kabit sa pagdami ng populasyon ang problema ng bayan sa edukasyon, kawalan ng trabaho, kakulangan ng kabuhayan, transportasyon at ang lahat ng basic services na dapat ibigay ng gobyerno sa tao.

Father, hindi na kailangang maging rocket scientist para malaman ang problema.

Simple math lang ang kailangan. Paano mo pagkakasyahin ang isang gatang na bigas isang pamilya na sampu ang miyembro?

Para kayong totoong mababait sa inyong mga deboto gayong marami naman sa kaparian ang nagpapabaya sa kanilang mga nasasakupan.

Kung gusto ng CBCP na patakbuhin ang bansa sa paraang gusto nila, magtayo na sila ng sariling republika.

Gawin n’yong presidente si Among Ed at vice-president naman si retired Arcbishop Oscar Cruz.

Pulandit
by Allan Encarnacion
allanpunglo@yahoo.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.