Reporters, nabuwisit kay Luis Manzano – Archie de Calma

JUST GOT (UN)LUCKY!: Marami ang naghintay kay Luis Manzano para sagutin ang tanong tungkol sa napa-balitang break-up nila ni Angel Locsin sa press conference ng In My Life ng Star Cinema na pinagbibidahan ng kanyang ina’ng si Ate Vi (Vilma Santos).

Actually, bago nagsimula ang press conference, nadaanan na namin sa isa sa mga dressing room ng ABS-CBN si Luis at sinisimulan na naming usisain sa nasabing isyu. Ang pangako niya, du’n na lang siya sasagot sa press conference.

At nang maupo na si Luis sa harap ng press, wala naman itong gustong i-komento sa iisipin mo na ngang hiwalayan nila ni Angel.

Ang paliwanag ni Luis, minsan na raw siyang nagsalita-sa SNN (Showbiz News Ngayon) and that’s it! Gusto lang niya, kung paano silang quietly na nagsimula ni Angel sa kanilang relasyon, eh, maiwan pa rin daw ang nasabing privacy nila lalo at meron silang pinagdadaanang kung anuman.

Lumitaw ang pangalan ng kontrobersyal na si Maricar Reyes na itinuturong third party raw sa relasyon nila ni Angel. Mariing pinabulaanan ito ni Luis. Makakasama lang daw sana niya sa Flash Bomba si Maricar at ‘yun lang daw ang natatandaan niyang pwedeng ikabit sa pangalan niya. Wala raw ibang tao sa gitna ng relasyon nila ni Angel. Nang umalis daw ito, eh, nagkakausap pa rin naman sila at hindi naman tuluyang naputol ang communication nila.

May nabuwisit na ngang reporter kay Luis that night. Kasi, turo siya nang turo sa kung kanino siya nagpa-interbyu regarding the issue. Sana raw kung wala talagang isasagot, isang malutong na no comment na lang daw sana ang sinabi nito at hindi pinaiikot-ikot pa ang mga kaharap niya.

ANNE-AFFECTED!: MERON ding nagtanong kay Anne Curtis sa press conference ng The Wedding at launching niya as endorser ng FernSlim kung binabalikan ba siya ni Luis Manzano at kung may alam ba ito sa nangyayari sa aktor at sa girlfriend na si Angel Locsin.

Simple lang ang sagot ni Anne: “I like Angel. And Manzano is my very best friend. Pero wala akong alam kung may problema nga sila and we’ve never talked about it. At saka out naman ako sa kung anuman meron sila. Nakaka-sad to hear if it were true. But that is just between them.”

Marami pa rin ang gustong malaman if there is a chance naman na magkabalikan din sila ni Sam Milby.

“Ano ba ‘yan? Right now, I’m just happy accepting the blessings that are coming my way. Pero, hindi ko naman kaaway ang mga nagiging ex ko. I still wish them well.

Patuloy lang si Anne sa pagme-maintain ng kanyang kaseksihan at kagandahan.

Dumating si Anne sa press conference na lace lang ang suot na nakapatong sa bra’ng suot.

“It’s uso naman, eh. I just wanna feel great!”

UN-RECOGNIZED?: AKALA ko manager na ang aming good friend na si Fanny Serrano sa text niya sa akin about Brillante Mendoza: “Internationally acclaimed and award-winning filmmaker Brillante Mendoza (2009 Cannes Film Festival Best Director) is now in town and you can avail of his services as director and creative consultant for any infomercials, AVP and the likes. You can reach him at 0917-5369465, or at brillante_ma@yahoo.com/ www.brillantemendoza.com.”

Hinihikayat daw niya si Mendoza na mag-hanap-buhay na uli dito sa ‘Pinas. Malay raw natin, baka ang gawan pa niya ng infomercial na pulitiko, eh, maging best actor pa. Gano’n?

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

27 thoughts on “Reporters, nabuwisit kay Luis Manzano – Archie de Calma

  1. Naku gimik na naman yan, at if ever na totoo, syempre sawa na c luis at laspag na nya si Angel noh! I open nyo nga mga eyes nyo, try nyo kayang i compare body ni agel before at ngayun……….

  2. mga baklang reporters kc…ang tigas ng ulo…ayw ngang mgsalita c luis!!!dpt sa mga baklang reporter ay ipako sa krus!!!

  3. cheap gimik talaga!

    sa promo ng FLOP ME AGAIN – may hiwalayan gimik, umiyak sa ASAP ni ngiwing pokpok, may pissed off ek ek sa facebook…

    ngayon promo ng in my life – hiwalay na naman daw daw sila!

    abangan…. ang susunod na cheap Gimik ng 2!

  4. naku kyeme pa ,e mas maganda pa nga kmi ng kapatid ko dyan ,si luis x ko si angel k2long ng kapatid ko yun na ,kalerke namann

  5. isa ka pang bakla ka! kala mo ang ganda ng itsura mo… MUKHA KANG NATALISOD LANG. haha!
    baklang bakla ang itsura kasi.
    atat sa chismis… kalalakeng tao oh!
    langya.

  6. karapatan ni Luis na hindi sagutin ang mga tanong sa kanya. bakit hindi si Angel ang tanungin nila at tingnan natin kung sasagutin sila ni Angel.

  7. ggogles: kitang-kita sa mga post mo ang breeding mo.Ang Sama!Ganyan ba ang turo ng mga parents mo sa iyo?Nag-aral ka ba?O isa ka lang manggugupit sa parlor ng mga baklang balahura?KADIRI ka!

  8. Nakakabilib si Luis.Kahit may problema sila ni Angel,di sya nagsasalita.Binibigyan pa rin nya ng proteksyon ang nobyang minahal nya.Iyan ang tunay na lalaki,hindi kiss and tell na tulad ng iba.Kung iba lang yan,ginamit na nya sa promo ng movie nya ang hiwalayan nila ng nobya.

  9. Ang hirap sa mga timawang reporters na ito,lahat na lang,gustong halukayin sa mga artista.May karapatan din ang mga artistang tumanggi sa mga interview at sagutin kung ano lang ang gusto nila.Hindi nyo pagaari ang isang tao.Kung kayo may right sa inyong privacy,ganundin ang mga artista.COMMON SENSE lang yan!

  10. sa tingin ko hindi papayag si luis at angel na magamit ang personal na buhay nila sa mga gimik gimik na iyan. we’re talking about feelings and emotions here. luis will not resort to cheap gimik. wish ko na magkaayos sila kase sa almost isang taon na mahigit na pagsasama nila, marami na din silang unos na pinagdaanan at so far ay nalagpasan nila.

    sana malagpasan din nila itong pagsubok na ito at magkaayos sila. siguro they just need time na magpalamig

  11. HINDI KASALANAN NI LUIS KUNG ANAK MAN SIYA NO VILMA SANTOS AT EDU MANZANO AT NEVER na pinagyabang ni Luis YUN at NEVER niyang ginamit ang impluwensiya ng mga magulang niya para lang sumikat Luis has made a name for himself, he works his way up kung saan man siya ngayon. Yan ang isang pinagmamalaki ni Angel about him.

    • anak man siya ni vi at edu nakagawa na din siya ng pangalan… kinilala si luis dhil sa talent niya di lang dahil anak sya nang artista…

    • may dapat ba akong intindihin!? ikaw ang ngarag hahahahhaha kasi d mo gets ang komento ko tagalog naman d ba?! goodness gracious d ka pa nakakaintindi. eh kung ikaw na di bangag pero di nakakaintindi ng SIMPLENG TAGALOG na komento eh cge na magpapakabangag na lang ako, hahhahahha BOBO!

  12. BUhay ni Luis yan karapatan nya kung sabihin o manahimik na lang siya sa nagyayari sa kanila ni angel. pang gulo lng minsan pagmadming nkikialam, imbes na makaayos nasisira pang lalo.. wag na din gumawa nanghakahaka kung anu pinagkasira nung dalawa. pinag aaway na lang minsan nang iba ung dalawa.

  13. sus gimik! talagang tahimik anu naman ang masasabi mo sa “relasyon nila kuno”. pweee! si angel locsin pilit na lang yang binabangon ang carrer, si luis manzano walang carrer nagkataon lng anak sya ng isang edu manzano at vilma santos.

  14. magkakabalikan din sila pagkatapos ng promo ng In My Life!

    baka iiyak din si Luis sa ASAP gaya ng ginawa ni angel sa promo ng Flop Me Again dati LOL!

    huwag niyo na idamay si Maricar at Anne sa publicity gimik niyo no!

  15. Everyone is entitled to their own privacy. They may be public figures but we don’t own them. Kaya, mga reporters na nagsisintimiyento, tigil kayo. Mas lalo kayong nakakahiya. Para kayong mga VULTURES na naghihintay nang makakain. Nagmumukha tuloy kayong mga gutom dahil wala kayong pagkakaperahan kay Luis dahil sa pananahimik niya.

      • pano mong nasabing walang pera, di naman nawawalan nangraket ung tao.lagi syang maytrabaho, kahit nga di sya magtrabaho di siya maghihirap…bakit mayaman kaba ky luis

      • August malaki ang problema sa buhay nya. im sure yung pinagsasabi nya laban kay Luis ay Angel ay katotohanan ng buhay nya. mga sikat at may pera na sa buhay yang mga sinisiraan mo. ikaw ba ano ng na achieved mo sa life mo? kilala ko na ang idol ni August kaya galit na galit yan kay Angel. kaugali nya kasi yon.

  16. dapat naman ang mga reporters they know their limitation. bakit naman sila maiinis kay luis if he doesnt want to elaborate? thats his own business.

Leave a Reply

Your email address will not be published.