Reporter, bangungot ang inabot sa magaling na aktres!

 

MALAKI NA TALAGA ang ipinagbago ng personality ng mahusay na aktres na itago na lang natin sa screen name na Marie Rose Castillo. Wala na kasi halos tayong maipipintas sa kanyang ugali, dahil napakabait naman niya. Pero mayroong isang movie reporter, na tawagin nating si Marianito Rubina, ang nagkaroon daw ng kakaibang karanasan sa paglapit sa aktres para ito ay makapanayam, kung saan itinuturing niyang ang una nilang paghaharap ay parang isang bangungot na hindi makakalimutan ng nasabing manunulat.

Napabalita noon ang paghihiwalay ni Marie Rose sa husband niyang basketbolista. Baguhan pa lang na manunulat noon si Marianito, at ang assignment ng kanyang editor ay interbyuhin ang aktres tungkol sa hiwalayan at paghahati ng kanilang conjugal properties. Sumugod naman si Marianito sa subdivision na tinitirhan ng aktres. Pinaghintay ng guard si reporter sa gate ng house. Nang dumating ang kotse ng aktres at makapasok iyon, tsaka dumungaw ang aktres sa gate at nagpakita sa manunulat, at ang dayalog nito: “Ako si Marie Rose Castillo. Bakit?”

Sagot naman ni Marianito: “Gusto lang sana kitang mainterbyu tungkol sa hatian n’yo ng ari-arian ng husband mo.”  Bigla raw nagbago ang hitsura ng aktres, at ang sagot nito: “At sino namang may sabi sa iyo na magsasalita ako tungkol d’yan?!” Ang kasunod na raw noon ay isang malakas na “BLAG!” ng gate ang award na ibinigay ng aktres sa manunulat.  Pinagsarhan siya at tinalikuran. Lulugu-lugong umalis si Marianito. Tagaktak ang kanyang pawis sa katawan, dahil nilakad niya mula sa house ni Marie Rose palabas ng malayong gate ng subdivision. Malungkot, dahil hindi nakainterbyu.

Ang sikat na aktres ay may umeereng teleserye ngayon. Sino siya kina Ana Capri, Ana Roces, Anna Abiera, Anna Maceda o Anna Marin? Isama na rin natin sina Annie Batongbakal at Anna Manalastas. Sinong Anna? Magsalita ka, Ruben Marasigan.

(By Melchor Bautista)

loading...

8 thoughts on “Reporter, bangungot ang inabot sa magaling na aktres!

  1. maldita pa rin tlga yan si Coney. hayy. pero un; PANGET nman kasi approach ng reporter.. kahit ako bka isnabin ko rin yan e, pro hndi yung tipong ganyan.. hayy tao ngayon. may mapag usapan lng

  2. Marie Rose Castillo – M.R.C. = Mumar Reyes Coney, ex ni Larry Mumar, dating basketball player. Umeere ngayon ang 100 days to heaven as Anna Manalastas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.