Report ng Sabah Probe, Hawak na ng DoJ

HAWAK NA ng Department of Justice (DoJ) ang ulat kaugnay ng ginawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Sabah standoff.

Sinabi ni NBI Deputy Director for Regional Operations Virgilio Mendez na bahala na si Justice Secretary Leila de Lima kung isasapubliko ito.

Una nang sinabi ni De Lima na sa oras na maisumite sa kanya ang naturang report ay isusumite ito kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Maaalala na una nang lumutang sa mga balita na posibleng maabswelto sina dating National Security Adviser Norberto Gonzales, kilalang political operator na si Pastor Boy Saycon at MNLF founding chairman Nur Misuari sa nangyaring standoff sa Sabah, subalit wala namang komentaryo rito ang NBI.

Samantala, sa mga nasabing personalidad, tanging si Saycon lamang ang ipinatawag noon ng NBI sa ginagawang pagsisiyasat, habang ilan pa sa mga pinagpaliwanag ay ilang miyembro ng pamilya Kiram sa pangunguna ni Sultan Jamalul Kiram III ngunit ang tagapagsalita lamang ng Sultanate of Sulu na si Abraham Idjirani ang humarap sa mga imbestigador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.