Rep.Tiangco: Nagpabaya sa kaso ni Gloria, sibakin

SA NANGYAYARING GULO sa kasalukuyan, dapat umanong sibakin sa tungkulin ni Pangulong Benigno Aquino III, ang sinumang opisyal ng pamahalaan na may hawak ng kaso laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sakaling matuloy ang paglabas sa bansa ni Arroyo, ayon kay Navotas City Rep. Toby Tiangco, at mangyari ang kinatatakutan ng lahat na tuluyan itong makatakas sa kasong kinakaharap nito ay wala umanong ibang dapat na sisihin kung hindi ang prosekusyon na may hawak ng kaso nito.

Wika pa ni Tiangco, 17 buwan ang sinayang umano ng prosekusyon para maisampa ang kasong Plunder sa Sandiganbayan at pagpapalabas ng hold departure order (HDO) laban sa dating Punong Ehekutibo.

“Pag nakatakas si GMA ang may kasalanan ay ang prosekusyon. Bakit 17 months walang inihaing kasong Plunder on time. Dapat kay P-Noy, sibakin ang nagpabaya sa tungkulin,” wika ng solon mula sa Navotas City.

Aniya pa, mali na sisihin ang Supreme Court (SC) sa desisyon na pansamantalang bawiin ang watch list order ng DOJ dahil sa naaayon umano ito sa rule of law at walang kinalaman ang pagiging appointee ng walong mahistrado na bumoto nang pabor kay Arroyo.

Hindi rin umano dapat kuwestiyunin ang kredibilidad ng SC na ang mga isyung nire¬resolba ay naaayon sa Konstitusyon na dapat igalang.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.