Rep. Tiangco, isinusulong ang pag-amyenda sa batas Juvenile Justice Law

ISINULONG NI Navotas City Representative Toby Tiangco sa Kongreso ang isang batas na naglalayong ibaba ang edad ng mga menor de edad na kabataan na dapat na makulong dahil sa pagkakasangkot sa krimen.

Ayon kay Tiangco, gusto niyang maamyendahan ang Juvenile Justice and Walfre Act (RA) 9344.

Nakasaad sa kanyang panukala, ibababa sa edad 12 hanggang 15 taong gulang ang edad ng mga menor de edad na nagkasala sa batas na puwedeng isailalim sa imbestigasyon para malaman kung may decenment o wala.

Kapag tumuntong na sa 15 taong gulang ang isang gumawa ng krimen ay maaari na itong litisin at irekomendang ikulong.

Gayunman, hindi isasama sa regular na kulungan ang mga menor de edad na napatunayang nagkasala sa batas.

Sa kasalukuyang batas hindi maaaring ikulong ang mga menor de edad kai-langang isailalim muna sa imbestigasyon kung alam ba ng bata ang kanyang ginawa o hind bago tulu-yang isailalim sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.