Rep. Singson, magre-resign sa Kongreso CHAVIT FOR CONGRESSMAN?

VIGAN CITY, ILOCOS Sur – Tiniyak ni Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na magre-resign sa tungkulin ang kanyang anak na si Ilocos Sur 1st District Representative Ronald Singson matapos na ito ay hatulan ng Hong Kong Court ng 1 taon at 6 buwan na pagkakakulong doon dahil sa droga.

Sa media interview kay Chavit, si-nabi niyang inihahanda na nila ang mga kakailanganing papeles o dokumento  sa pagre-resign ni Rep. Singson at oras na makumpleto nila ito ay ipadadala agad nila kay House Speaker Sonny Belmonte.

Dahil sa inaasahang pagkawala ni Rep. Singson, inaasahan na isang special election ang gagawin sa naturang distrito. Pero sinabi ni Chavit na depende ito sa magiging desisyon ng Kongreso.

“P’wede silang magpatupad ng special election o kaya’y mag-appoint na lang ng carateker Congressman. Depende iyan sa gusto nilang mangyari,” ayon kay Chavit.

Ayon pa sa Governor, kung sakaling may mangyayaring special election sa 1st District ng Ilocos Sur para sa maiiwang puwesto ng kanyang anak, magsasagawa siya ng isang malawakang meeting sa mga kapwa niya provincial official, alkalde, bise-alkalde, board members, councilors, barangay captains, at mga NGOs para kunsultahin ang mga ito’t alamin kung sino ang gusto nilang ipalit sa puwesto.

Wala namang malinaw na sagot mula kay Chavit nang tanungin siya tungkol sa napapabalitang pagtakbo niya bilang kapalit ng kanyang anak sa pagka-kongresista oras na magkaroon nga ng special election sa naturang lugar.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.